ISANG DEKADA AT WALONG TAON

Isang dekada at walong taon,

Kung iisipin mo nga, ganon na pala katagal…

Pero kung iisipin mo rin….. ganoon na nga din kabilis

Isang dekada at walong taon.

Ang dami-daming pangyayari sa ating mga buhay,

Ang dami daming lugar na ating napuntahan

At ang dami-dami nating mga taong nakasalamuha

Isang dekada at walong taon.

Kung iisipin mo ito ang araw na inabot ako ng sobra-sobrang sakit dahil sa panganganak sayo,

Anim na taon na ang lumipas mula nang una akong manganak, hindi ko na alam umiri sabi ng ng doktor ko

Hirap na hirap ako, halos pumikit na ako sa pagod  at mawawalan ng ulirat,

Napakalaki mo kasing bata at napaka liit ko, tinakot ako ng duktor na hihiwain ang tyan ko kung hindi pa ako umiri,

At sa takot na lumaki ang gastos sa pagkakaospital ay nagtodo-bigay na ako bahala na!

Nahirapan tayo pareho, nagkandaipit-ipit ang iyong ulo na parang avocado, ngunit sa wakas nakalabas ka na rin sa mundo.

Isang napakaputi at napakahabang baby na sabi koy magbibigay ng bagong pag asa sa sitwasyon namin noon.

Isang dekada at walong taon

Isang araw na pinahalong sobrang sakit at sobrang saya

Isang dekada at walong taon

Iyakin at maingay ang baby na yun

Iyakin at sumpungin,,

Ngunit napakatalino naman at napakaganda,

Anu naman kaya ang nakalaan para sa kanya?

Isang dekada at walong taon

Napakabilis!

Dati si yayay lang ang tangi mong hanap,

Ngayon napakarami mo nang gustong gawin,

Napakaraming gustong puntahan, napakaraming gustong pagkaabalahan

Dapat ba tayong magmadali? o dapat ba’y hinay hinay lang?

Natatakot ako kasi baka mamya hindi ko na yun lahat abutan…

Isang dekada at walong taon

Araw-araw nagpapasalamat ako at magkasama tayo,

Masakit sa akin na paminsan minsan ay nalalayo ako sayo, dahil sa trabaho

Hindi ko maisip ang buhay ko nang wala ka,

Araw-araw nagdadasal ako na lagi tayong pangalagaan laban sa sakit at sakuna

Araw-araw nagdadasal ako na may maluto akong masarap para sa iyo

Araw-araw nagdadasal ako na mabigay kong lahat ang kailangan mo,

At kung mayron pang sobra, ang mga bagay na gusto mo.

Araw-araw iniisip ko, may mga bagay ba akong hindi ko nasabi na dapat kong sabihin?

Araw-araw tinatanung ko ang sarili kung marami na ba akong naituro sayo tungkong sa buhay?

Isang dekada at walong taon

Patawad sa mga nangyari sa buhay natin

Patawad sa mga pagkukulang ko

Patawad kung may mga nasabi ako na masakit sa damdamin

Patawad kung noon ay nasaktan kita at napalo, gusto lang kitang maging mabuti

Patawad pero dapat meron lang talaga tayong mga batas na sinusunod para maging maayos ka bilang tao,

Gusto lang kitang maging mabuti

Sana naiintindihan mo yon….

Isang dekada at walong taon

Ganon na nga kabilis, pero marami pang darating

Gulong gulo na ang isip ko kakaisip sa mga bagay na yan

Sana lahat ay may kasiguraduhan….

Kaya ang payo ko, ang unang una ay laging magdadasal

Gamitin ng maigi ang pagiisip, pero wag naman din kalimutan gamiting ang puso

Gawin lagi kung ano ang tama,

Gawin kung ano ang nararapat,

Maging mabuti sa kapwa ngunit wag na wag magpapaabuso

Matutong lumaban at magsalita, maging matigas at maging matapang

Dapat hand ka laging ipagtanggol ang iyong sarili

Maging matulungin at masipag

Magiing mapagbigay at kailanma’y wag maging madamot

Maging matapat lagi, kahit masakit

Maging tapat at totoo

Magmahal ng buong puso.

Maraming-marami ka pang kailangang matutunan na sana’y maituro kong lahat

Para sa darating pang mga dekada at walong taon….

 

 

lagi kitang mahal kahit minsan matigas ang ulo mo!

 

mommy

 

 

 

Sue Jose
A mom of two and a granny to one. I love the outdoors, good movies, watching advertisements, cooking, designing, writing...
http://suejose.com

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Top